Nasa rooftop ako ng canteen (wala ito noong estudyante pa ako dito), tapos nilapitan ko ang dating drummer ng Headless Eyes, bigla ba naman akong sinigawan, 'Hey, I know you. Punk's not dead!' Hahaha.
Either marami nang nainom si Allan Colico or talagang masayahin lang siya (nung pauwi na ako, nakita kong nagsasayaw siya sa kanta ng Wham! Palagay ko nga masayahin siya. Hehehe. Allan, pa-Soundgarden ka pa diyan, si George Michael naman pala ang idol mo).
Sa tutoo lang, true to form, tinatamad na akong magpunta dito sa tipar na ito, kahit na walking distance lang ang UST sa amin. Almost two hours late ako sa usapan namin ng utol ko (wala talagang nagbabago!), pero tama lang, kasi kakapasok lang din ng mga tao, at ang program nagsimula siguro mga isang oras pagkarating ko.
Ang ganda na nga ng bagong auditorium (naalala ko lang, dito ako unang-unang tumugtog kasama ang isang banda in public), pero di rin ako nagtagal sa loob. Gumala kami sa building at nagkuhanan ng mga litrato.
Mamaya, sa main event sa sinabi kong rooftop, nagkaroon ng batch cheer kasama ang cheerleading team ng high school (di ko maalala ang eksaktong tawag sa kanila), at siyempre naman pinakamaingay ang mga jubilarians, lalo na ang batch 84. Aba, kahit na kuwarenta na ang mga kumare dito, parang may asi...wag na nga. Parang manyakis ang dating.
Ayun, dito ko rin nalaman na namatay si Redinald Peralta ng batch 88 nung nakaraang Disyembre lang. Nakakalungkot, kasi nagkikita pa kami nung nakaraang taon sa Makati pag nagpupunta ako sa mga training day ng sinalihan kong mountaineering org. Rest in peace, tol.
Nakita ko rin ang iba kong mga guro, pero sigurado akong walang nakakaalala sa mga ito sa akin. Normal student lang ako dati—neither outstanding to be recognized or so bad that needs reform. Just enough to keep under the radar, I guess.
Pero naaalala ko ng mabuti dati, tinambakan ni Ms. Casas ng notes ang cover ng notebook ko sa Religion, komentaryo niya sa cut-out panels ng The Dark Knight ni Frank Miller na naka-paste sa harap. Parang galit na galit siya nung sinulat niya yun. Ako naman, natakot din ng panahon na yun, pero naisip ko rin na hindi niya na-gets kung bakit ko nilagay yun doon. Pag nakita ko yun, baka i-scan ko at ilagay ko dito minsan. Social commentary ko lang naman yun.
Sabi pa ni Joyce, 'Kahit strict siya, ano? Kasi nakita na-recognize niya nga ang talent mo.' Naisip ko oo, pero di ko naisip na mahigpit si Ma'am Collantes, kasi di naman ako nahihirapan sa mga language-related subjects (di rin naman mataas ang grades ko, hehehe).
Marami din akong naging paborito noon, mga nakikita kong magaling na mga guro tulad ni Ms Manapat, Cabansay, Dela Paz, at iba pa. Magaling sila at makikita mo ang passion nila sa pagtuturo nila. Alam na alam nila ang sinasabi nila at nagiging interesting pa ang subject. Kahit di ako magaling na estudyante, oo.
At huli na lang ito—di ko akalain sa buong buhay ko na makakainom ako ng alak legally sa loob ng UST High school. Reunions rock! Hahaha.
Salamat, Kuya Bert!
Para sa mga litrato (salamat, Yvette):
Notes here and there

